Dati, exited ako daily magbukas ng facebook account ko, kasi nandito lahat ng mga invitations na ineexpect ko sa mga long lost friends and relatives ko.
Dito rin sa social networking site na ito makikita kung ano ano ang mga pending invitations ang bubulaga sa iyo, andyan na yung mga bdays, kasal, binyag, anniversary at kung anu anu pang shit.
Subalit isang araw... Parang sinampal ako ng isang napakalaking kamao na gumising sa aking maka modernong kaisipan, Hindi pala lahat ng naging friend ko eh ganun lang ang purpose! pati rin pala katangahan at kayabangan nila... kasama!
Considering nandyan pa ang Cyber bullying na tila, lalong nagpahigpit at nagpagulo sa kaisipan ng mga madaming online user. Hindi naman ako bully sa net, at lalong hindi sa totoong buhay.
Sa ngayon, ang pag gamit ng facebook account sa akin ay isang pag kritiko na lamang. Sa ibang antas ng iyong kaisipan, malalaman mo kung ano ang pilosopiya at takbo ng isip ng isang tao.
May mga nadiskubre akong talaga namang mga katawa-tawang bobong personalidad. Umpisahan natin sa mga larawan, nandyan na yung si Profiler e picture nang picture sa trabaho at tila ginawang background na halos lahat ng sulok ng kumpanya. Andyan din ang nagpopost na parang timang na nahumaling sa snow, kakatuwa pa at nagpapicture na tila lumalangoy sa niyebe. Meron namang pati alagang hayop kasama pa sa larawan, kung imported na breed kasama, eh pag aspin na? syempre set aside para maganda at sosyal ang peg."nasa pinas tayo oy! kaya normal lang na makaka kita mga viewers mo na may mga local breed na hayop sa tabi ng pictures mo!.
May nakita rin ako na parang timang na ewang pasosyal na kupal na nasa isang gym kuno at nagbubuhat ng barbel, pero ang suot eh balot naman ng jacket sa katawan at naka maong jeans pa. Meron naman pipicturan ang sarili na nakaharap sa salamin at kita ang hawak na unit "syempre may logo na apple" na tila ba ewan kung pagmumukha ang dinidisplay o yung hawak na mamahaling cellphone. "pwede naman kasing magpicture ng ganun na di kasama ang unit kung iibahin mo lang ang angulo diba?! "kasi naman, kayabangan ang pinapairal!"
tumungo naman tayo sa mga shout outs. May mga ewan na epal kung makapag post sa wall nila eh magpapa thank you lord sa lahat daw ng blessings. e pwede namang i daan yan sa dasal at hwag nang pagsigawan pa na may natanggap kang blessing or much even better kung yung ginamit mong load or pinang bayad mo sa internet cafe eh pinang pasahe mo nalang patungo sa simbahan at doon nalang nagpasalamat, malamang mas magkakaroon kapa ng solemn moment at taos pusong magpapasalamat sa kung ano mang blessing ang iyong natanggap. "wag ka nang magpaka sagrado hoy! karamihan, alam naman ng lahat kung anong modus mo hanggang ngayon!". "tanggapin mo kung ano ang meron ka at magpasalamat, at pasalamatan mo narin ang mga bagay na wala ka, dahil yan ang sisira sa buhay mo kung nagkaroon ka". Meron naman dyan na tila kinakalat pa ang mga salita ng bibliya. at walang humpay na post araw araw sa wall niya. "Bakit di kaya subukan na tawagan ang mga nasa phonebook nya at bigyan ng mabuting aral. Para naman mas epektibo ang kanyang bagong adbokasiya. "tandaan, a picture can speak a thousand words" kahit seryoso ka sa paglimot ng tinalikdan mong dating buhay, di mo parin makukumbinsi lahat na maniniwala sa iyo.
Meron naman maya maya ilalagay sa wall kung ano ang ginagawa. merong naka post sa status na eating with_____, at mall with______, just wake up, on my way to work, lunch time, kakatamad ng araw na to, uwian na after 5, at kung ano ano pang shit. "bakit di mo i-try mag post ng "umutot ako with______, just wake up na may maraming natuyong tulo ng laway sa pisngi, nangamoy anghit ako on my way to work or something realistic kung talagang gusto mo na updated ka sa nangyayari sa buhay mo together with facebook.
Grabe, ang dami talagang mapapansin kung magiging mapagmasid ka at konting matandain.
Hindi ako psychology graduate pero sa profile palang ng isang account, alam ko na kung anong merong personality and behavior ang isang tao. It is not the fact that i am a judgemental, malamang mapagmasid, OO. and it doesnt end there. Im still monitoring these ramdom people. Siguro, kung mabasa man nila ang article blog na ito... malamang maiisip din nila yun in the future
and one day gigising din sila sa katotohanan at biglang sasagi sa kanilang isip na... Shet! bat ginawa ko ito?
No comments:
Post a Comment