
Napansin ko lang...
Isang araw may na receive akong mangilan ilang friend request sa facebook account ko na puro mga baby's ang mga Users.
Nabigla, Napatawa at medyo naiinis ako sa mga tumambad na imbitasyon sa akin. Mantakin mo ba naman na may batang edad na 1month to 2yrs old marunong ng mag FACEBOOK? sobrang techie at super genious naman ata ng bata para humawak na ng isang gadget or computer para makipag social media. Normally ang mga ganyang edad na bata eh nasa under classification pa ng (Infant - Baby Stage). At kapag tinawag na baby, kadalasan ang hawak ay feeding bottle o di kaya naman eh laruan. Hindi Computer o isang gadget na pwedeng ipagkatiwala nalang basta sa isang musmos na bata. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit kailangang gawan mo ng isang account ang isang bata lalu na sa isang malawakang social media. Lalo na sa panahon ngayon dahil, mas pinaigting ng batas ang responsableng pag gamit ng internet. Paano kung yung account ng isang baby eh nakasuhan ng cyber bullying or libel? makukulong ba ang baby dahil sa Cyber Crime Law? Naisip kaya ng mga mambabatas ang ganitong posibilidad? Kung makukulong ang isang bata ng labing dalawang taon, malamang paglabas sa laya eh binata na... hehehe
Kidding aside, balikan natin muli ang opinyon ko sa mga may pakana ng pag gawa ng ganitong account. Naisip moba na magiging interactive ang pag gawa ng account sa bata? Sa tingin ko hinde, bakit? marunong nabang magchat ang baby? eh ang mag like? paano naman ang comment? o di kaya naman eh mag tweet? at kung ano ano pang shit.
Maawa naman kayo sa mga baby's, ke babata palang ine expose nyo na sila isa sa mga maka delikadong social medias. Tapos mangangatwiran pa, "Trip ko to eh! walang basagan ng trip!" BAKEEET? Adik-adik kana? malamang oo dahil pati bata sinasama mo pa sa makadelikadong pag gamit ng social media. Mag isip ka naman. Hwag basta basta pinapairal ang kakitiran ng utak. "Hindi basta naisip mong cute, e consider nang maganda, dahil minsan pag sobrang pa-cute na, nakaka-irita!"


