Saturday, July 26, 2014

Hindi ako mayaman para bilhin ang kahapon
Pero handa kong utangin ang bukas, makasama ka lang maghapon!



Identifying Human Behavior in Facebook

Dati, exited ako daily magbukas ng facebook account ko, kasi nandito lahat ng mga invitations na ineexpect ko sa mga long lost friends and relatives ko.
Dito rin sa social networking site na ito makikita kung ano ano ang mga pending invitations ang bubulaga sa iyo, andyan na yung mga bdays, kasal, binyag, anniversary at kung anu anu pang shit.

Subalit isang araw... Parang sinampal ako ng isang napakalaking kamao na gumising sa aking maka modernong kaisipan, Hindi pala lahat ng naging friend ko eh ganun lang ang purpose! pati rin pala katangahan at kayabangan nila... kasama!
Considering nandyan pa ang Cyber bullying na tila, lalong nagpahigpit at nagpagulo sa kaisipan ng mga madaming online user. Hindi naman ako bully sa net, at lalong hindi sa totoong buhay.
Sa ngayon, ang pag gamit ng facebook account sa akin ay isang pag kritiko na lamang. Sa ibang antas ng iyong kaisipan, malalaman mo kung ano ang pilosopiya at takbo ng isip ng isang tao.
May mga nadiskubre akong talaga namang mga katawa-tawang bobong personalidad. Umpisahan natin sa mga larawan, nandyan na yung si Profiler e picture nang picture sa trabaho at tila ginawang background na halos lahat ng sulok ng kumpanya. Andyan din ang nagpopost na parang timang na nahumaling sa snow, kakatuwa pa at nagpapicture na tila lumalangoy sa niyebe. Meron namang pati alagang hayop kasama pa sa larawan, kung imported na breed kasama, eh pag aspin na? syempre set aside para maganda at sosyal ang peg."nasa pinas tayo oy! kaya normal lang na makaka kita mga viewers mo na may mga local breed na hayop sa tabi ng pictures mo!. 
May nakita rin ako na parang timang na ewang pasosyal na kupal na nasa isang gym kuno at nagbubuhat ng barbel, pero ang suot eh balot naman ng jacket sa katawan at naka maong jeans pa. Meron naman pipicturan ang sarili na nakaharap sa salamin at kita ang hawak na unit "syempre may logo na apple" na tila ba ewan kung pagmumukha ang dinidisplay o yung hawak na mamahaling cellphone. "pwede naman kasing magpicture ng ganun na di kasama ang unit kung iibahin mo lang ang angulo diba?! "kasi naman, kayabangan ang pinapairal!"
tumungo naman tayo sa mga shout outs. May mga ewan na epal kung makapag post sa wall nila eh magpapa thank you lord sa lahat daw ng blessings. e pwede namang i daan yan sa dasal at hwag nang pagsigawan pa na may natanggap kang blessing or much even better kung yung ginamit mong load or pinang bayad mo sa internet cafe eh pinang pasahe mo nalang patungo sa simbahan at doon nalang nagpasalamat, malamang mas magkakaroon kapa ng solemn moment at taos pusong magpapasalamat sa kung ano mang blessing ang iyong natanggap. "wag ka nang magpaka sagrado hoy! karamihan, alam naman ng lahat kung anong modus mo hanggang ngayon!". "tanggapin mo kung ano ang meron ka at magpasalamat, at pasalamatan mo narin ang mga bagay na wala ka, dahil yan ang sisira sa buhay mo kung nagkaroon ka". Meron naman dyan na tila kinakalat pa ang mga salita ng bibliya. at walang humpay na post araw araw sa wall niya. "Bakit di kaya subukan na tawagan ang mga nasa phonebook nya at bigyan ng mabuting aral. Para naman mas epektibo ang kanyang bagong adbokasiya. "tandaan, a picture can speak a thousand words" kahit seryoso ka sa paglimot ng tinalikdan mong dating buhay, di mo parin makukumbinsi lahat na maniniwala sa iyo.
Meron naman maya maya ilalagay sa wall kung ano ang ginagawa. merong naka post sa status na eating with_____, at mall with______, just wake up, on my way to work, lunch time, kakatamad ng araw na to, uwian na after 5, at kung ano ano pang shit. "bakit di mo i-try mag post ng "umutot ako with______, just wake up na may maraming natuyong tulo ng laway sa pisngi, nangamoy anghit ako on my way to work or something realistic kung talagang gusto mo na updated ka sa nangyayari sa buhay mo together with facebook. 
Grabe, ang dami talagang mapapansin kung magiging mapagmasid ka at konting matandain.
Hindi ako psychology graduate pero sa profile palang ng isang account, alam ko na kung anong merong personality and behavior ang isang tao. It is not the fact that i am a judgemental, malamang mapagmasid, OO. and it doesnt end there. Im still monitoring these ramdom people. Siguro, kung mabasa man nila ang article blog na ito... malamang maiisip din nila yun in the future  and one day gigising din sila sa katotohanan at biglang sasagi sa kanilang isip na... Shet! bat ginawa ko ito?

Sunday, July 6, 2014

Epal: May joke ako sayo.
Mas Epal: Ok game...
Epal: Noon, ang inaantay ng mga tao bago magpakasal ay kabilugan ng buwan.
Ngayon, ang inaantay ng mga tao bago magpakasal ay kabilugan ng tiyan.
Mas Epal: Alam kong joke yan, pero tinamaan ako dun 'a.
Epal: Baket???
Mas Epal: Mejo tumataba na kasi ako, ayoko pang magpakasal.
Epal: Tanga! tiyan ng babae ang pinag-uusapan jan!
Mas Epal: Ahhhh, Oo nga 'no! Gets ko na... Sabihin ko nga sa girlfriend ko wag muna syang magpapataba. Ayoko pa talagang magpakasal.
Epal: Aba gets mo nga ah! Booyset! Booyset booyset booyset!!!
Ang dialog na hindi nawawala sa LAHAT ng soft drink commercials:
"Ahhhhhh" !!!!!
TangIna This !!!!!

Tamang Pose ng Tunay na Astig na Barako !!!!!
Inumin ng Di Tunay na Astig na Barako !!!!!


Gawain ng Di Tunay na Astig na Barako !!!!!

ang di tunay na Astig na Barako ay magpapasagasa ng kamay sa bumbay para maka-utang ng pang-inom. pero ang tunay na lalake, yung bumbay ang sasagasaan at aagawin pa ang pera at motor para mas maraming pang-inom.
Ang Ibon na ito:Tunay na Astig na Barako !!!!!

Ibabalandra ng Tunay na Astig na Barako ang itlog niya kahit pa ipinagbabawal.
Mga Tunay na Astig na Barako !!!!!

Meryenda para sa utak!

"Wag mong gagalitin ang nanay mo na mahilig mambato ng tsinelas kapag nasa tabi sya ng lalagyan ng mga tsinelas nyo sa bahay" -
Experience is life's greatest teacher


Kumukutitap !!!!

yeah! we Rock!

tang-INA this!!!

Minsan sa isang buhay ng isang bubuyog !!!

Kahulugan daw nito sa buhay


UNANG araw ng Paglikha, binuo ng Diyos ang aso at sinabihan, “Umupo ka buong araw sa tabi ng pinto ng bahay mo, at tahulan lahat ng pumasok o dumaan. Para diyan, bibigyan kita ng buhay na may haba na 20 taon.” Sagot ng aso, “Mahabang panahon ‘yan ng pagtahol. Bigyan Niyo na lang ako ng 10 taon, isosoli ko ang labis na 10 taon.” Pumayag ang Diyos.

Ikalawang araw hinubog ng Diyos ang matsing at inatasan, “Mag-lambitin ka at patawanin ang mga tao. Para diyan bibigyan kita ng 20 taon na buhay.” Sagot ng mat-sing: “20 taon? Mahaba yata ‘yun para magpasaya lang sa iba. 10 taon lang okey na, isosoli ko ang sobrang 10.” Muli pumayag ang Diyos.

Ikatlong araw ginawa ng Diyos ang baka, at inutusan, “Kailangan tulungan mo ang magsasaka sa bukid, tiisin ang init buong araw, mag-anak ng guya, at magbigay ng gatas sa pamilya niya. Bibigyan kita ng buhay na 60 taon.” Nakiusap ang baka: “Napakahaba namang buhay ‘yan ng paghihirap. Sana 20 taon na lang, at isosoli ko ang 40.” Okay sa Diyos.

Ikaapat na araw nilikha ng Diyos ang tao. Tuwang-tuwa Siya sa Sarili, kaya pinayuhan ang tao, “Kumain, matulog, maglaro, mag-asawa, magpakasarap sa buhay. Bibigyan kita ng 20 taong buhay.” Umangal ang tao: “20 taon lang? Puwede ba ganito na lang, akin na ang 20 taon ko, tsaka ang isinoli ng baka na 40 taon, at ang isinoli ng matsing at aso na tig-10 taon, kaya 80 taon lahat?” Dahil giliw na giliw ang Diyos sa tao, sinagot Niya, “Kung ‘yun ang nais, ‘yun ang makakamit.”

At ‘yan ang dahilan kung bakit, sa unang 20 taon ng ating buhay, puro tayo kain, tulog, laro, at pagpapasarap lang. Tapos, sa susunod na 40 taon, mala-alipin tayo sa ilalim ng araw nagpapakain ng pamilya. Sunod, 10 taon tayo nag-aala-matsing para patawanin ang mga apo. At sa huling 10 taon nakaupo lang tayo sa veranda at tinatahulan ang mga dumadaan.
Pimp my ride!

Pag bata ka pa natural lang naman na medyo tamad ka maligo... ang sabi ng tatay ko: "pag di mo hinilod and batok mo tutubuan yan ng damo!"
Bigyan ng Title

Kwento mula sa aking idolo

"Jejeje. NaK2tAwa nMn pFoeh uNg joKe mo uNcLe. Jejeje." ang reply ng pinsan ko sa forwarded na joke ng tatay ko... ang sabi ng tatay ko: "tingnan mo nga itong text ng abnormal na pinsan mo at puro jejeje... ano ba ibig sabihin ng lintek na jejeje na yun?"

Nung mabasted ako at nahalata ng tatay ko na malungkot ako... ang sabi ng tatay ko: "wag kang magmadali anak, madami pa babae dyan. kung ayaw nila sabihin mo "kung di kayo magkukusa di nyo ko matitikman"."

Pinag-uusapan namin ang concert na pupuntahan namin nang biglang sumabad ang tatay ko... ang sabi ng tatay ko: "Parokya Ni Edgar? Sumali ka ba sa kulto?"

Ipinagyayabang ko sa mga kapatid ko ang features ng aking iPhone... ang sabi ng tatay ko: "ikaw ba umimbento nyan? kung hindi, wag mong ipagyabang. binili mo lang yang celfon na yan. kahit sino kayang gawin yun."

Dahil sa madaming nagko comment na mana daw ako sa nanay ko... ang sabi ng tatay ko: "kung talagang mana ka sa nanay mo dapat me boobs ka! kaya sigurado akong sa akin ka nagmana."

Minsan nagtalo ang nanay ko at tatay ko sa pagpapangalan ng aso... ang sabi ng tatay ko: "aso ko yan kaya papangalanan ko ng kahit anong gusto ko at ang gusto kong pangalan nya ay GAGO!" ---nagkaron din kaming aso na ang pangalan ay Darling, Pukengkeng, at Halimaw

Nahilig ako sa pusoy dos dati... ang sabi ng tatay ko: "pag di mo tinigilan ang pagsusugal mong bata ka hinding hindi na kita babalatuhan pag nanalo ako sa sabong!"

Nung teenager na kami, kapag weekends at bakasyon kami ay obligadong magtinda sa palengke o sa aming sari sari store. Minsan nagpaalam ako na maglakwatsa ng araw ng Pasko... ang sabi ng tatay ko: "ano ang pagkaka-iba ng pasko sa ibang araw? tumatae ka rin, kumakain ka rin. kaya tama lang na magtrabaho ka rin."

Nung mga bata pa lang kami at nagsisimula pa lang matutong magsalita ng kabastusan at mga mura... minsan nadinig ako ng tatay ko na nagmura. Ang sabi ng tatay ko: "tangina kang bata ka! san ka natutong magmura ha! hayup kang walangya ka. yan ba tinuturo ko sa yo!? gago ka!"

Minsan na natapilok ako. Resulta, namaga ang paa ko. Takot ako na magpadala sa doktor kasi ayoko pa sementuhan paa ko. Kaya sabi ko sprain lang yun at pilit ko nilalagyan lang ng yelo... ang sabi ng tatay ko. "doktor ka ba? hinde? o, halika dito at ako ang magsasabi kung sprain nga yan o me bali na..."

Umiyak ang kapatid kong lalaki at nagreklamo na parang maga daw ang bayag nya. Ang sabi nya natatakot daw sya at baka nabati sya ng nuno sa punso... ang sabi ng tatay ko: "anong nuno sa punso? kaya sumakit ang itlog mo kasi umihi ka sa bahay ng anay kaya kinagat ng anay ang itlog mo!"
Ang empleyadong ito: Tunay Na Astig na Barako !!!!
Bagamat plants vs. zombies ang nilalaro ng mamang ito, na alam naman nating lahat na isang larong pang-di tunay na lalake, Tunay Na Astig na Barako pa rin siya dahil naglalaro siya sa oras ng trabaho.
Gawain ng Tunay Na Astig na Barako !!!!
Ang mag-drowing ng babaeng nakahubad habang naghihintay ng order ay gawain ng isang Tunay Na Astig na Barako.