Saturday, July 14, 2012

NUOD NUOD LANG

Hindi ako masyadong mahilig manood ng movie. Siguro dahil na rin sa sobrang busy sa trabaho at hindi na ako nagkakaroon ng extra time para mag relax sa harap ng telebisyon. Madalas po kasi eh sa internet na ang bagsak ko kaya naman wala ng time sa pagbabad ng t.v. Isang araw ng Sunday. Napagtripan kong manood ng movie sa bahay dahil Sunday naman at wala din akong magawa kaya naisipan kong mag sunog muna ng oras sa telebisyon.
Naghanap ako ng mapapanood sa internet at mukhang wala akong nagustuhan na tittle sa mga ito. Madalas kasi, tumitingin nalang ako sa tittle ng pelikula kung awarding ba or hindi ang isang movie. May nakita akong matagal na Movie at na tipuhan ko itong panoorin. At ng i download ko eh ampfuschia! ang laki ng file size, 4gig pala at di na kasya sa disk space ko. kasi naman punung puno na ang laman ng HDD dito. So kulang na ang space at ang masama pa duon eh after 4days pa ang estimated download nito, kaya nag hanap nalang ako ng ibang alternatibo.
-while searching... nakita ko ang the "Pursuit of HappYness" ni Will Smith, So na curious ako at dinownload ko ito dahil maliit lang ang file size (medyo malabo pero o.k na at mabilis pa idownload) At yun na nga ang pinanood ko ng araw na iyon.
Medyo related sa akin ang istoyang ito kaya na touch ako sa mga karakter ng pelikula. 
Bigyan ko kayo ng link, ang gagawin nyo lang eh i click ito at mag uumpisa na magdownload. (two part ang movie so parang side a and side b lang ang format) sa mga kabataan ngayon slang' iyon ng cassette tape na nauso dati:


O ayan mga ate at kuya. Next time abangan nyo pa ang mga movie post ko at Maraming Salamat po! and enjoy the movie.

PANCIT CANTON WITH EBON NI LEY-LEY




Noong nasa kolehiyo pa ako. Wala kaming hilig sa yayaan na kumain sa fast food ng mga magkakaklase. Dahil narin siguro matured na  at talaga namang masasabi mong may sense of responsibility na kami noon. Isang dahilan kasi siguro na kapag lumayo na kami ng kaunti sa school eh tiyak na tatamad na kaming bulalik muli doon. Sa U.A om4b kahit anong offer ang i propose mo, iisa parin ang thinking nila.
Anong sinabi ng mga competitive fast food chain dito sa pampanga? Alin? Ang Burger Mcdo meal? wala iyan! Jollibee langhap sarap meal? laos din iyan. Dito lang ang katapat nyan kay lei lei store sa tapat ng U.A main gate. Basta pagkatapos ng isang madugong eksaminasyon sa iilang subject, iisa lang ang magpupuno sa nagwawalang bulate at nagugutom na sikmura namin. Ang Sweet and spicy pancit canton with boiled egg ni lei lei "dapat 2packs kaagad ha" bitin kasi pag isa lang at sabayan mo pa ng napakalamig na Sparkle or Gatorade, "Tapos! ang pagkagutom mo". Ang siesta? Haha saan pa nga ba eh di ang Bad infulence na Counter Strike. Pero take note- Nasa tamang lugar naman kung may free time na at tapos na ang pag rereview. 
Minsan pumasyal ako sa U.A at tiniyak ko na matikman muli ang meryenda ng mga estudyante. walang iba kundi ang PANCIT CANTON WITH EBON NI LEY-LEY Mura na, May sukli pang Counter Strike pang Siesta...
(Counter Strike is optional, there is another rate for it. We use our change to play on it.)