Ang dami kong ninanais, ang dami kong gustong matapos, mapuntahan, at makamtan. Laging sumasagi sa aking isip, alin ang aking sisimulan? Malamang naglalaro na sa iyo ang katagang "time management". At oo meron na akong naka lathala sa aking maliit na kwaderno. At base sa aking mga kalkulasyon. kulang ang aking oras. Sa madaling salita, Short ako sa schedule, at hindi pupwedeng abonohan.
Hindi naman ako Celebrity at lalong hindi rin politician. Isang "tipikal na tao" nga lang eh, Pero bakit ang daming kailangang isingit sa kararampot na oras? TIK-TOK > TIK-TAK > TIK-TAK-TIK ang bulong ng orasan na bumabasag sa nakaka- bingging katahimikan dito sa aming mumunting tahanan, na parang nagsasabing Bilisan mo "Ron" at tumatakbo ang oras.
Kung ako man ay hinamon ng oras handa akong tanggapin kung ano man ang kaya kong gawin sa araw na ito. Hanggang duon lang ang kinaya eh. Bakit ba? Ang importante sa lahat. Masaya ka sa mga gawaing natatapos mo at wala kanang dapat ipag alala dahil kuntento ka sa lahat ng bagay na nagawa mo.
To be continue...
No comments:
Post a Comment