Sarap nung gigising ka na may inaabangan ka. Parang nakakaumay yung gigising ka at tuloy tuloy ka na sa dapat mong gawin. Kumbaga walang break muna, walang petiks moment pag gising mo. Walang I love you kain ka na, I love you, Gising na at marami pang iba.
Hirap nung nagising kang parang wala lang. Yung gigising ka na inaalala yung mga dapat gawin bukas o kaya naman sa buong maghapon. Yung lahat ng bagay na nakikita mo sinasarili mo na lang. Hindi mo kasi ma share, kasi walang willing. Kaya mas pinili mong manahimik na lang sa isang tabi.
Ganyan talaga pag tanggap mo sa sarili mong pansamantala kang mag-isa.
No comments:
Post a Comment