Isang tipikal na araw sa isang tipikal na lugar sa pampanga, naka tyempo ako ng mga epal na tila nagkayayaang mag basagan ng mukha.
kaya yun na, ganun nalang ang aking na saksihan.
Tamang tama, dala ko ang aking video cam. kuhang kuha ang moment.
Comment ko lang sa mga batang ito...
Mga iho, di ba dapat ay puro libro, ballpen, at kwaderno ang inaatupag ninyo?
kawawa naman ang mga magulang ninyo sa pag sasakrepisyong makapag aral kayo. Minsan nga e nakakautang pa sila para lamang maitawid ang inyong pag-aaral at mabigyan kayo ng allowance araw araw. Hindi yung puro katarantaduhan ang inaatupag!
Naisipan nyo ba... na sa susunod na araw ay hindi ka makakapasok sa school dahil puno ng pasa ang mga pagmumukha ninyo "absent" ang hatol ng titser dun. At nagastos na naman uli si nanay dahil ibinili kapa ng gamot dahil sa natamo mong sugat, bukol at pasa dahil sa katapangan mo! mahiya ka naman brad!
Sa mga epal naman na kaklase o kabarkada:
Mga gago kayo! hinayaan nyo pang masaktan ang mga kaibigan ninyo. Na dapat sana eh umawat nalang dahil sa kitang kita naman na nagkakasakitan na ang mga gung-gong na katulad ninyong epal.
At heto pa!, tuwang tuwa pa ang mga kupal na kumukuha ng video sa pag uupakan ng mga epal. KUPAL talaga kayo! tang ina ninyo! kung kayo kaya ang nakitang binubugbog at pinagmamasdan lang ng mga tao, ano kaya ang magiging pakiramdam ninyo.
At para sa akin:
Hinayaan ko nalang ang mga epal na mag-upakan. Bakit naman ako aawat? iiwan ko ba ang kotse ko? samantalang kay dami naman nakapalibot na epal sa dalawang gung-gong na nag uupakan! hinayaan ko nga silang magbasagan ng mukha.
At higit sa lahat ayokong maging isa ding katulad nilang mga epal.
"Been there done that" ika nga!
Dahil ang natutunan ko dati. Walang magandang maidudulot ang ka-hambugang ito. At higit sa lahat, hindi katapangan ang ipakita na magaling ka sa suntukan, mas matapang ka, kung kaya mong labanan ang hamon at dagok na darating sa iyong buhay.

No comments:
Post a Comment