Wednesday, July 11, 2012

Unang Paglathala

Matagal akong bumalak na gumawa ng isang blog site. Pero sa mga pagkakataong iyon eh napaka busy ko at tila wala na akong oras para magsulat ng kung ano anong mga pangyayari ang mga nararanasan ko sa buhay.


Ang kwento kung paano ito nagsimula...
Isang gabi habang nakaharap ako sa desktop pc sa bahay na mainit init pa ang keyboard at mouse dahil sa kaka Dota ni Don Matthew (Utol ko) eh naisipan kong lumikha na ng isang blog. Wala akong idea kung ano ang tittle ng blog ko. Bigla kong naisip, since meron naman akong Generic blog sa facebook account ko eh yun nalang ang ginawa kong titulo, ang Ron's point of view.
     Second dialogue box
tangna! Hinihingan ako ng name ng blog site. Ang sakit sa utak at tila ma no-nose bleed pa ako dahil wala akong maisip na pangalan na makakapag ring ng bell pag narinig ito ng isang pangkaraniwang tao. Sabay higop sa mainit kong 3 in 1 na kape at nakikinig sa media player ko, -habang nag-iisip... paulit ulit ang pag sambit ng Snow Patrol ang isang part ng lyrics ng "for God sake dear" pero 'just say yes' ang titulo na relax na relax ako habang pinakikinggan ko iyon. So dun na nag come up ang idea ko na "sige na nga ito na lang! kasi parang sign na sa akin yung blog site tittle na iyon, kaya yun na. I made it official. It's [forgodsakedear.blogspot.com]. sana ma appreciate ng magbabasa ang ginawa kong tittle. Maraming salamat po.

No comments:

Post a Comment