Thursday, July 12, 2012

Nasaan kana FHERBERT2RERO?

Sa panahong ako ay na de depress na. may isang blog site ang sumalo at bumawi sa pagkalungkot ko. Ang fherbert2rero.blogspot.com na mula sa panulat ni Bigttco. Ang dami kong natutunan sa blog site na ito hindi lang sa pagbibigay aliw sa mga mambabasa at the same time may moral lesson din naman itong mensahe na talaga namang kapupulutan ng aral.


-Para kay bigttco
Sa maniwala kaman at hindi, sa tuwing mag oonline ako eh una kong binubuksan eh ang site mo bago pa ang email at facebook account ko. Anong nangyare Bigttco? bakit bigla nalang nahinto ang pagsusulat mo? kung hindi ako nagkakamali ang pinaka huling blog mo ay nung nakaraang taon pa ng Septyembre. Ang topic ay sa mga online predators.
Madami akong hinahangaang manunulat dito sa pinas pero nasa puso ko parin ang pangalan ni Bigttco dahil sa ito ang nagtanggal ng kalungkutan sa aking puso nung ako ay nasa binggit ng kalituang mabuhay at ka desperaduhan sa sarili.
Nanatili akong isang panatiko sa matagal na panahon nuong ito'y na uupdate pa. Nasaan kana fherbert2rero? nasaan na ang bigttco'ng nagpapasaya sa mga ilang daang naka follow sa iyo para sa blogsite mo? Isa itong malaking inspirasyon ko na pwede kong baunin dito sa blog site ko habang ako ay lumilikha pa ng mga insights. ANYARE? akala ko ba isa kang tunay na astig na Barako? o di naman ay isang IHA. Hindi ko narin nababasa ang kung ano anong shit at extra rice mo. Kung nasaan ka man, bigyan mo sana ako ng pahintulot na ipagpatuloy ang iyong nasimulang magandang gawain. SALAMAT at namulat ako sa makamundo at malayang pagsusulat dito sa blog site ko ng dahil sa iyo. Hindi man ako ganun kasing lupet magsulat umaasa ako na sana ay ma improve pa ang nakahiligan ko balang araw.
Umaasa ako na sana ay mabasa mo ang blog post ko na ito.
Maraming salamat...

No comments:

Post a Comment